Impormasyong pangkalusugan ukol sa HIV sa wikang Tagalog
爱滋病病毒健康资讯(菲律宾文)

Ang Tagalog na bersyon ng website ng Serbisyong Pagsusuri para sa HIV ng Kagawaran ng Kalusugan ay naglalaman lamang ng mga pili at mahahalagang impormasyon. Makakakuha ng mas detalyadong impormasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa Ingles/ Traditional Chinese/ Simplified Chinese na bersyon ng website.

(卫生署HIV测试服务网页的菲律宾文版本仅包含部分基本资讯。如欲浏览更详尽的资讯,请参阅英文丶繁体中文或简体中文版本的网页。)

Ano ang dapat mong malaman:
(你需要知道的是:)

  • Ang HIV ay daglat para sa human immunodeficiency virus. Ang virus na ito ay inaatake ang sistemang panlaban, ginagawa nitong mas madaling kapitan ng iba’t ibang impekyon at sakit ang katawan ng tao. Kung hindi lulunasan, ang impeksyon na dulot ng HIV ay maaaring mas lumala at mauwi sa tinatawag na Acquired Immunodeficiency Syndrome, o AIDS.
  • Sa Hong Kong, ang pakikipagtalik ay pangunahing dahilan ng pagkakahawa ng HIV. Ang tama at palagiang paggamit ng condom ay mahalagang paraan para maiwasan ang HIV at ilang impeksyong nakukuha dahil sa pakikipagtalik (STIs). (I-click rito para sa impormasyon kung paano makakuha ng mga libreng condom).
  • Ang mga taong nahawaan na ng HIV ay maaaring walang mga nararamdamang sintomas sa loob ng maraming taon. Ibig sabihin, maraming mga tao na nahawaan na ng HIV ang hindi nakakaalam na nahawaan na sila. Ang pagsusuri para sa HIV ay ang tanging paraan para malaman kung may HIV ang isang tao.
  • Ang pagsusuri para sa HIV ay inirerekomenda kung ikaw ay nakipagtalik na pero hindi pa nasusuri para sa HIV. Ang libre at di makikilalang pagpapasuri para sa HIV ay mayroon sa Hong Kong. (I-click rito para sa karagadagang kaalaman tungkol sa pagsusuri para sa HIV)
  • Ang madalas na pagpapasuri (mga isang beses kada tatlong buwan) ay inirerekomenda kung ikaw ay may ginagawang mga bagay na maglalagay sa iyo sa mas malubhang kapahamakan ng pagkakahawa ng HIV, tulad ng di-ligtas na pakikipagtalik or Maramihang kasosyo sa sekswal.
  • Walang lunas para sa HIV sa ngayon, pero ang antiretroviral therapy ay maaaring mapigil ang dami ng virus sa katawan ng tao at pabagalin ang pagkasira ng sistemang panlaban. Ang mga taong may HIV ay dapat maagang simulan ang paggagamot. Ang maagang paggagamot ay nagpapakita ng paghusay ng kalusugan at mas pagbaba ng banta ng pagkalat ng virus sa ibang tao.

Ano sa tingin mo……? Sang-ayon ka ba?
(你觉得怎麽样?你同意吗?)

  • Ang tapat at nagmamahalang magkapareha ay hindi nagkakalat ng HIV?!
    Katotohanan: Isang katotohanan na ang tapat at nagmamahalang magkapareha na parehong HIV-negative ay hindi makapanghahawa ng virus sa isa’t isa, mahalagang tandaan na hindi lahat ng tao ay alam ang kanilang HIV status, at baka may pagkakataong ang isa sa kanila ay walang kaalam-alam na may HIV na pala siya at maaari niya itong maipasa sa ibang tao. Para maging ligtas, laging gumamit ng condom sa pakikipagtalik, and palagian kayong magpasuri ng iyong kapareha para sa HIV. Ang pagsunod sa mga pag-iingat na ito ay mapapanatili ang seksuwal na kalusugan at mapipigilan ang pagkalat ng HIV.
  • Naipapasa ba ang HIV sa pamamagitan ng kagat ng lamok?!
    Katotohanan: Hindi, di naipapasa ng lamok ang HIV. Walang kakayahan ang mga lamok na paramihin o ikalat ang HIV sa kanilang mga katawan. Hindi naipapasa sa pamimigatan ng kagat ng lamok ang HIV mula sa isang tao papunta sa isa pa. Samakatuwid, ang kagat ng lamok ay hindi maaaring maging paraan para maipasa ang HIV. Hindi mo dapat ipagalala ang pagkakakuha ng HIV sa pamamagitan ng mga kagat ng lamok.
  • Malusog ako, hindi ko na kailangan magpasuri para sa HIV?!
    Katotohanan: Mahalagang masuri dahil ang mga taong hindi napag-alamang may HIV ay maaaring wala silang nararamdaman sa matagal na panahon, ngunit ang impeksyon ay unti-unting sisirain ang kalusugan nila. Maaari rin nilang maikalat ang impeksyon sa ibang tao.
  • Masyadong mahal ang pagpapasuri?!
    Katotohanan: Sa Hong Kong, maaari kang makakuha ng libreng pagpapasuri para sa HIV at pakikipag-usap sa Kagawaran ng Kalusugan; ang serbisyong ito ay libre, di ka makikilala, at ang lahat ng impormasyon ay mananatiling lihim. (I-click rito para sa karagdagang impormasyon). Maaari mong tawagan ang 2780 2211 para kumuha ng appointment. Dagdag pa, may ilang organisasyon sa komunidad ang nagbibigay rin ng kaparehong mga serbisyo.
  • Ang paghuhugas ng puwerta matapos ang pakikipagtalik ay maaaring mapababa ang pagkakataong mahawa ng HIV?!

    Katotohanan: Ang paghuhugas matapos makipagtalik ay nababawasan lamang ang dami ng semilyang naiwan sa puwerta ngunit maaari nitong maapektuhan ang natural na balanse ng mga bakterya sa puwerta, na maaaring magdulot ng pagdami ng di-mabubuting mga bakterya at makapagpapataas sa panganib ng pagkakahawa ng HIV.

    Ang tama at palagiang paggamit ng condom ay mahalagang paraan para mapigilan ang HIV at ibang pang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

  • Hindi na kailangang gumamit ng condom sa panahon ng pagbubuntis?!

    Katotohanan: Ang condom ay isang paraan ng pagkontrol sa panganganak na nakakatulong din para maiwasan ang HIV at ilang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pagkikipagtalik tulad ng Chlamydia at Gonorrhea. Ang totoo niyan, ang pagkakaroon ng HIV at ilang impeksyong nakukuha sa pakikipagtalik ay masama para sa ina at sa kaniyang sanggol. Kaya napakahalaga para sa mga babae ang magpasuri para sa HIV sa oras na malaman nilang buntis sila. Mahalaga rin ang palagian at tamang paggamit ng condom kahit pa sa panahon ng pagbubuntis para hindi mailagay ang sarili at ang sanggol sa panganib dahil sa pakikipagtalik nang hindi gumagamit ng condom.

HIV/ STIs Materyales sa Edukasyong Pangkalusugan
(爱滋病病毒/性传播感染健康教材)

(A) Video (短片)
  • Ano ang AIDS? (爱滋病篇)
  • Pagsusuri & Paggagamot para sa HIV (测试与治疗篇)
  • Mga Impeksyong Nakukuha sa Pakikipagtalik (STIs) (性病篇)
(B) Mga polyeto (单张)
  • Karagdagang kaalaman tungkol sa AIDS
    (爱滋病知多D)
  • Pagsusuri ng HIV sa Pagbubuntis - ang Pagaalala ng Magiging Ina
    (准妈妈的关注-- 产前爱滋病测试)
  • Pagpigil sa Mga Impeksyong Naipapasa sa Pamamagitan ng Pagtatalik o STI at AIDS
    (预防性病及爱滋病)
  • AIDS, Magpasuri nang Maaga, Magpagamot nang Maaga, Para sa lyong Kalusugan Magpasuri
    (爱滋病,尽早知,及早医,为健康,做测试)